-- Advertisements --
Nais ni Chinese President Xi Jinping na palawakin pa ang mga nakakasundo sa pamamagitan ng pagbabago ng imahe ng kaniyang bansa.
Sa kaniyang pakikipagpulong sa mga senior Coummunist party officials, sinabi ni Xi na mahalaga na magpakita ang China ng imahe na “credible, loveable at respectable.”
Ang nasabing pahayag ay kasunod ng lumalalang relasyon nito sa mga malalakas na bansa.
Dagdag pa ng Chinese president, mahalaga sa China na magkaroon ng kaibigan, makipagkaisa at makuha ang loob ng mga nakakarami.
Nararapat daw na maging “open and cofident but modest and humble” ang bagong China.