Nakatakdang magkita ng personal sina Chinese leader Xi Jinping at Russian President Vladimir Putin sa sidelines ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) summit sa Samarkand, Uzbekistan sa Setyembre 15 at 16.
Ito ang kinumpirma ni Russia’s envoy to Beijing Andrey Denisov.
Ang nakatakdang pagpupulong ay ang unang face to face meeting sa pagitan ng dalawang lider na nagkaroon ng mas maigting pang ugnayan mula ng sumiklab ang Russian invasion noong Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ito din ang magiging unang overseas trip ng Chinese leader mula ng unang tumama ang covid-19 pandemic.
Ayon kay Denisov, sa naturang summit kanilang pinaplano ang pagkakaroon ng seryoso at full-fledged meeting kasama ang mga leaders ng may detalyadong agenda na kanila ng tinatrabaho kasama ang Chinese partners.
Kabilang sa naturang organisasyon ang China, India, Kazakhstan, Kyrgyzstan, Russia, Pakistan, Tajikistan at Uzbekistan.