-- Advertisements --

Bumisita sa kauna-unahang pagkakataon sa Tibet si Chinese President Xi Jinping.

Naging sekreto ang nasabing pagbisita mula Miyerkules at Biyernes dahil inilabas lamang ito sa mamamahayag noong natapos na ang pagbisita.

Nagtungo ang Chinese President sa capital ng bansa sa Lhasa at binisita ang Potala Palace ang tradisyonal na bahay ni Tibetan spiritual leader na si Dalai Lama.

Huling bumisita si Xi noong ito ay bise presidente pa la mang 10 taon na ang nakakaraan.

Ang nasabing pagbisita ay siyang kauna-unahang pagbisita ng isang lider ng China matapos ang 30 taon.

Maraming mga exiled Tibetian ang nag-akusa sa China na kanilang sinusupil ang relihiyon at sinisira ang kanilang kultura.

Mariing pinabulaanan naman ito ng China.