Dumipensa si Chinese President Xi Jinping sa human rights progress ng China sa virtual meeting nito kay UN human right chief Michelle Bachelet sa kaniyang kontrobersiyal na pagbisita sa China.
Kabilang sa 6-day visit ni Bachelet sa China ay sa remote western region ng Xinjiang kung saan inakusahan ang Beijing sa pagkulong ng nasa mahigit 1 million Uyghurs at iba pang Turkic Muslim minorities na tinawag ng Estados Unidos at ng mga mababatas sa Western countries na isang “genocide”.
Mariin namang itinanggi ng China ang naturang alegasyon at tinawag na “lie of the century”.
Iginiit ni Xi na hindi dapat na maging kasangkapan o pulitikahin ang human righst issues at inihayag na mayroong human righs development path ang China na alinsunod sa national conditions nito.
Sinabi umano ni Bachelet na handa ang Un Human Rights Office na palakasin ang kooperasyon nito sa China at magsanib-pwersa sa pagtataguyod para sa pagsusulong ng global human rights cause.
Nagpahayag din ng paghanga ang UN rights chief sa pagsisikap ng China at achievements nito para mapuksa ang kahirapan, maprotektaha ang karapatang pantao at economic at social development.