-- Advertisements --

Muling nagkita ang Presidente ng China at United States (US) na si President Xi Jinping at President Joe Biden ito’y matapos ang isinagawang APEC Summit sa Lima, Peru.

Dito ay sinabi ni Xi na hindi dapat makialam ang US sa agawan ng teritoryo sa Spratly Islands sa West Philippine Sea (WSP).

Ni-reject kc ng Beijing ang 2016 ruling mula sa Permanent Court of Arbitration, kung saan sinabi ng korte na ang pananakop nito sa WPS ay ‘walang legal na basehan.

Sa isa pang pahayag inihalintulad ni Xi ang samahan ng US na kapag ang dalawang bansa raw ay nagturingan bilang magkaibigan at may parehong adhikain na magtulungan ay magkakaroon ng magandang progreso pero kung ituturing aniya ng mga ito na magkalaban ay magkakaroon ng malalim na kompetisyon hanggang umabot sa sakitan.

Sinabi ni US national security adviser Jake Sullivan, nagkausap ang dalawang lider sa pribadong hotel kung saan nanunuluyan si Xi, tumagal ng dalawang oras ang naturang pag-uusap na binalikan aniya ang matagal na relasyon at ugnayan ng China at US.

Hindi man aniya madalas na sumasang-ayon sa kanilang mga pinagusapan ngunit naging prangka raw ang dalawang lider sa isa’t-isa tungkol sa iba’t-ibang isyu.

Kaugnay pa nito nangako si Xi, pananatiliin niya ang ugnayan nila ni US President Elect- Donald Trump kungmaaalalang umasim ang kanilang relasyon sa gitna ng trade disputes at origin ng COVID-19.

Nangako rin si Biden na babawasan niya ang tensyon sa China na nagpapalala pa sa iba pang mga issue katulad ng posibilidad na paggamit ng nuclear weapons na maaaring makapinsala sa lipunan.

Inilarawan naman ng White House, ito na ang kauna-unahang pag-uusap ng dalawang bansa tungkol sa usapin ng paggamit ng nuclear weapons na ayon kay Xi at Biden hindi artificial intelligence ang kailangan masunod sa pagdikta ng paggamit ng nuclear weapons upang maisalba ang maraming buhay. (Report/items by Bombo John Flores)