-- Advertisements --

Dumaan ang isang Chinese research vessel sa archipelagic waters ng Pilipinas ayon sa US maritime expert.

Sa monitoring ni US maritime expert Ray Powell na dumaan ang Chinese fisheries vessel na Song Hang sa archipelagic waters patimog patungong Celebes Sea.

Base sa data ni Powell, umalis ang 85-meter vessel mula sa Shanghai, China noong Marso 26.

Ang naturang Chinese research vessel ay pagmamay-ari at ino-operate ng Shanghai Ocean University.

Una rito, noong 2017 iniulat ng Chinese Communist Party newspaper na ang Song Hang ang unang oceangoing fishery survey ship ng China.

Samantala, hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumasok sa archipelagic waters ng PH ang research vessel ng China. Nauna ng napaulat na dumaan noong nakalipas na Pebrero ang isang pinakamalaking fisheries research ships ng China na Lan Hai 101.