Namataan ang Chinese research vessel na Ke Xue San Hao sa Recto Bank o Reed Bank na mayaman sa reserbang langis at gas kasunod ng ilang araw na paglalayag nito sa ibang mga bahura at shoals sa West Philippine Sea kabilang na sa Sabina shoal.
Base sa monitoring ni US maritime security expert Ray Powell, pumasok ang naturang barko ng China sa timog na parte ng Recto Bank dakong 10:30 ng gabi noong Huwebes, Agosto 8.
Sa kabila ng mayamang likas na yaman sa Recto Bank na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas, hindi mapakinabangan ito ng bansa dahil sa maritime dispute nito sa China.
Ito ay isang underwater reef formation na pinaniniwalaang mayroong 5.4 bilyong bariles ng oil at 55.1 trillion cubic feet ng natural gas base sa 2013 report ng US Energy Information Administration.