-- Advertisements --

Kinumpirma ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander Lt. Gen. Arnulfo Burgos na may mga Chinese research vessel pa rin ang aaligid sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Burgos, kapag may na-monitor silang mga barko, agad nila itong “tsina-challenge,” pinaalalahanan na sila ay nasa exclusive economic zone ng Pilipinas.

sea patrol west ph sea navy

Inihayag ni Burgos, may listahan ang sila sa mga tinaguriang concerned ships na pumapasok sa EEZ ng bansa.

Aniya, dahil sa mga kagamitan na meron ang Nolcom mabilis na namo-monitor ang presensiya ng mga banyagang barko na pumapasok sa EEZ ng bansa.

Sa impormasyon na nakuha ng Nolcom, nagsasagawa ng survey sa “ocean floor” ang namataang Chinese research vessel na pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

Binigyang-diin ni Burgos na nais nilang mapalawig pa ang kanilang mga monitoring stations sa lugar lalo na ang mga littorial monitoring stations at littoral monitoring detachments.

Mlaking tulong din ang maritime Cafgus sa area ng Norther Luzon sa kanilang intelligence monitoring.