BUTUAN CITY – Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP-Butuan) ang kabuuang danyos na iniwan ng sunog na tumupok sa isang Chinese school at pagkadamay ng isang hotel sa sentro ng lunsgod ng Butuan pasado alas-9:00 kagabi.
Mabilis na kumalat ang apoy na nagsimula sa loob ng Timber City Academy at sa lakas na apoy ay bigo ang mga bombero na maapula kaagad ito dahilan na tumawid pa ito sa katabing Prince Hotel at napasukan rin ng apoy ang ibang kwarto nito sa ikatulng palapag na kaagad din namang nakontrol.
Kanya-kanya rin ng sagip ng mga gamit ang mga nanirahan at tindahan sa paligid ng eskwelahan dahil sa takot na madamay.
Sa katunayan pati ang mga medical staff ng Manuel J. Santos Hospital na katabi lang ng Prince Hotel ay naipilitang ilabas ang mga pasyente.
Temporaryon ngayong nakikisilong sa FUSS Gym ang ibang pasyente ng nasabing ospital.
Idineklara naman ni Fire SSupt. Fred Trajeras Jr., regional director ng BFP-Caraga na alas-10:50 kagabi na na-contain ang sunog at pagsapit ng alas-11:34 ay idineklara itong fire-out.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa dahilan ng sunog na umaabot sa 4th alarm at nirespodihang ng 12 mga fire trucks mula sa iba’t ibang fire stations ng lungsod at mga karatig bayan.
Ito ang ikalawang malaking sunog na nangyari kahapon matapos una na tumupok sa anim na kabahayan ng Purok 3, Brgy. Ampayon sa lungsod.