Sinintensyahan ng tatlong taong pagkakakulong ang isang Chinese scientist na tumulong sa pagbuo ng kauna-unahang gene-edited babies sa buong mundo.
Noong 2018 nang gulatin ni He Jiankui ang buong mundo nang ianunsyo nito na ang kambal na sina Lulu at Nana ay ipinanganak na binago ang DNA upang maging resistant ang mga ito sa HIV.
Bagama’t kanyang ipinagmalaki ang nakamit na achievement, umani naman ito ng kabi-kabilang mga pagkondena mula sa mga kasamahan nito, na tinawag ang eksperimento ni He bilang “monstrous,” “unethical,” at malaki umanong dagok sa reputasyon ng Chinese biomedical research.
Nitong Lunes, pinatawan ng tatlong taong pagkakakulong si He ng Shenzhen Nanshan District People’s Court at may kaakibat na 3 million yuan o halos P22-milyong multa.
Batay sa court findings, nabatid daw ni He ang potensyal ng human embryo gene-editing technology para pagkakitaan noong 2016.
Nakipagtulungan daw ito sa dalawang medical researchers na sina Zhang Renli at Qin Jinzhou upang gamitin ang gene-editing technology upang lumikha pa ng mga sanggol na HIV resistant.
“The court held that the three defendants failed to obtain a doctor’s qualification and pursued profit, deliberately violated the relevant national regulations on scientific research and medical management, crossed the bottom line of unscientific and medical ethics, and rashly applied gene-editing technology to human-assisted reproductive medicine, disrupting the medical treatment,” base sa report. “The order is serious and its behavior has constituted the crime of illegal medical practice.”
Maliban kay Zhang, kulong din ng dalawang taon si Zhang at may multang 1 million yuan o mahigit P7-milyon, habang may suspended sentence naman na isang taon at anim na buwan at may multang 500,000 yuan o P3-milyong multa si Qin.
Nag-plead guilty rin sa korte ang tatlo, na sinasabing pinatawan na rin ng habambuhay na ban sa pagsasagawa ng human-assisted reproductive technology services.
Mahigpit na ipinagbabawal sa maraming mga bansa gaya ng Estados Unidos ang ganitong uri ng gawain.