-- Advertisements --

Ibinunyag ng US prosecutors sa San Francisco na itinatago ng Konsulada ng China sa lugar ang Chinese scientist.

Lumabas kasi sa imbestigasyon na si Juan Tang na biology researcher sa University of California ay konektado sa People’s Liberation Army (PLA) ng China.

Base sa imbestigasyon na rin ng FBI na nagtungo si Tang sa Chinese consulate sa San Francisco para magtago.

Hindi na aniya bago ito ng gawain ng PLA ayon sa prosecutors dahil noong nakaraang mga linggo ay naaresto ang dalawang researchers na konektado sa military.

Magugunitang ipinag-utos ni US President Donald Trump na ipasara ang konsulada ng China sa Houston dahil sa pagnanakaw umano ng mga intellectual property nila.