-- Advertisements --
Nabuwag ng mga kapulisan ng France ang Chinese smuggling syndicate.
Naaresto sa nasabing operasyon ang ptiong mga suspek na ang modus ng mga ito ay hikayatin ang kanilang mamamayan na magtrabaho sa Paris ng walang anumang legal na dokumento at tanging tourist visa lamang ang kanilang gamit.
Sinabi ni Xavier Delrieu ang police division chief ng Paris, na kasabwat ng mga suspek ang travel agency sa China.
Inilalagay sa isang bahay ang mga biktima nila at maliit lamang ang sahod na ibinibigay sa mga ito.
Mula pa noong nakaraang tatlong taon ay nasa 200 iligal immigrants na ang pinaniniwalaang dumating sa France.