Bawal pa ring ipalabas sa China ang mga laro ng NBA kahit na nag-umpisa nang muli ang mga laro ng lika.
Matatandaang halos siyam na buwan na ang nakalilipas nang i-block ng state broadcaster ng China na CCTV ang mga laro ng NBA dahil sa umano’y komento ng pamunuan ng liga na inalmahan ng China.
Batay sa ulat, hindi pa rin mapapanoo sa CCTV ang mga laro sa NBA kahit ipinalalabas na ang mga games via livestrean ng Chinese internet firm na Tencent.
Noong Oktubre nang suspindihin ng CCTV ang lahat ng broadcasts ng NBA matches makaraang maghayag ng suporta sa social media ang isang executive ng Houston Rockets sa Hong Kong pro-democracy protests.
Sinasabing nagresulta sa pagkalugi ng mahigit $300-milyong kita ang pagbabawal ng mga laro ng NBA sa China.
Kung maaalala rin ay nagkalasan sa liga ang maraming mga Chinese business partners at celebrities matapos na depensahan ng NBA executives ang karapatan ng opisyal ng Rockets sa freedom of expression.
Kasunod nito ay kinansela ang games sa China at itinigil ang pagsasahimpapawid ng mga laro ng NBA season.
Kaugnay nito, nilinaw ng CCTV sa isang pahayag na tinapos na umano nila ang kanilang exclusive TV rights sa NBA matapos lumabas ang balitang muli itong ieere sa China.
“On issues concerning China’s sovereignty, CCTV Sports’ attitude is solemn, clear and consistent with no room whatsoever for ambiguity,” saad ng CCTV.