Nabatid sa isang pagsasaliksik na pareho lamang ang stratehiya na ginagamit ng coronavirus disease at HIV para atakihin ang immune system ng isang indibidwal
Ayon sa mga siyentipiko mula China, ang parehong virus ay tinatanggal ang marker molecules sa isang infected cell na ginagamit naman ng immune system para malaman kung anong klase ng sakit ang nakapasok sa katawan ng pasyente.
Batay sa naging clinical observation ng virologist na si Zhang Hui at kaniyang grupo, mas lalo lamang tumibay ang mga naunang ebidensya na nagpapakitang kaya nitong magdulot ng chronic infection.
Kasama rin sa kanilang pag-aaral ang pangongolekta ng killer T cells mula sa limang pasyente na gumaling sa COVID-19. Ang mga naturang immune cells ang pumupuksa sa virus na dulot ng Sars-CoV-2.
Ngunit ang killer T cells na ginamit sa pag-aaral ay hindi umano epektibo sa pagpatay sa virus na nasa infected cells. Nang tingnan itong mabuti ng mga siyentipiko ay napansin nila na nawawala ang major histocompatibility complex (MHC), isang uri ng molecule.
Nagbabala rin ang mga ito na dahil sa pagkakapareho ng dalawang sakit ay maaari pang tumagal ang COVID-19 kahit pa magkaroon na ng bakuna laban dito.