-- Advertisements --
Nagtala ng kasaysayan sa US Open si Chinese tennis player Wu Yibing.
Siya lang kasi ang unang manlalaro mula sa China na umabot sa ikatlong round ng US Open.
Tinalo ng 22-anyos na ang kapwa qualifier na si Nuno Borges ng Portal sa five-set game ng ikalawang round.
Si Wu ay naging kampeon ng US Open junior noong 2017.
Huling Chinese player na umabot sa third round ng anumang Grand Slam tournament ay si Kho Sin-Khie noong 1946 sa Wimbledon.
Sinabi ni Wu na hindi siya makapaniwala na nagtagumpay ito sa nasabing palaro.
Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round si Russian player defending champion Daniil Medvedev.