-- Advertisements --

Nakausad na sa finals ng Australian Open si Qinwen Zheng ng China.

Ito ay matapos na ilampaso si Dayana Yastremska. ng Ukraine sa score na 6-4, 6-4 sa paghaharap nila sa semifinals.

Ang 21-anyos na Chinese player ay siyang unang finalist ng China sa Australian Open mula ng makapasok si Li Na noong 2014.

Makakaharap nito sa finals si defending champion Aryna Sabalenka.