-- Advertisements --
Binawi ni Chinese tennis star Peng Shuai ang kaniyang naunang akusasyon ng sexual assault sa dating mataas na opisyal ng kanilang bansa.
Sinabi nito na nagkaroon lamang ng maraming hindi pagkakaintindihan sa kaniyang post.
Sa naging panayam ng isang Singaporean-Chinese language newspaper, sinabi nito na wala siyang isinulat na inaakusahan ang isang mataas na opisyal.
Nababahala naman ang Women’s Tennis Association (WTA) dahil tila may pumipigil sa tennis player para sabihin ang katotohanan.
Magugunitang noong Nobyembre 2 ay ibinunyag ni Shuai sa kaniyang social media account na nag-aakusa kay dating Vice-Premier Zhang Gaoli dahil sa pamimilit sa kaniya na makipagtalik.