-- Advertisements --

Itinanggi ngayon ni Chinese tennis player Peng Shuai na mayroong siyang inakusahan ng sexual assault.

Sinabi nito na wala itong inakusahan na nag-sexual assault ito sa kaniya.

Nauna rito naging malaking usapin ang social media post ng three-time Olympian noong Nobyembre na nag-aakusa ng sexual assault laban kay dating Chinese vice premier Zhang Gaoli.

Mabilis namang nabura ang nasabing social media post ni Peng.

Dahil dito ay sinuspende ng Women’s Tennis Association ang mga torneo sa China kung saan nagdulot ito ng panawagan ng pag-iimbestiga.