Inakusahan ni Chinese tennis star Peng Shuai ng sexual assault ang isang dating top communist official.
Sa kaniyang social media account sinabi nito na inalok siya ni dating Vice Premier Zhang Gaoli na makipagtalik.
Lumabas sa screenshot sa kanyang verified Weibo account ang pag-amin ni Ms. Peng na siya ay napilit na makipag-sex ilang taon na ang nakakalipas hanggang sa magkaroon daw sila ng “on-off consensual relationship.”
Ang social media post ni Peng ay deleted na rin, kalahating oras matapos na malathala ang kanyang mga alegasyon.
Ito ang unang pagkakataon na naakusahan ang isang senior political leader ng China.
Ang 75-anyos na si Zhang ay nanungkulan bilang vice premier ng China mula 2013 hanggang 2018 at kaalyado ni Chinese President Xi Jinping.
Si Peng na isa sa dating biggest sporting star ng China ay dating ranked number one na doubles player sa tennis noong 2014.
Siya ang unang Chinese player na nakuha ang top ranking makaraang ang pagkampeon sa doubles sa Wimbledon noong 2013 at sa French Open noon namang 2014.
Aminado ang 35-anyos na si Peng na wala siyang ebidensiya dahil sa natatakot itong magdala ng tape recorder para i-record ang naging pahayag ni Zhang.