-- Advertisements --

Nasa ligtas at mabuting kalagayan si Chinese tennis star Peng Shuai.

Ayon kay International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach na nakausap nila si Peng sa pamamagitan ng video call.

Umabot sa 30 minuto ang ginawang pag-uusap nila ng tennis player kung saan tiniyak nito na walang dapat ikabahala dahil nasa mabuting kalagayan ito.

Nagpasalamat ito sa IOC dahil sa pag-alala sa kaniya.

Nasa kaniyang bahay ito sa Beijing subalit humiling siya ng privacy sa kaniyang kinaroroonan.

Magugunitang hindi na nakita pa sa publiko ang 35-anyos na si Peng matapos na akusahan ng sexual assault ang mataas na opisyal ng China.