Nasa Pilipinas na ang Chinese State Councilor at foreign minister na si Wang Yi.
Ang pagdating ng top diplomat ng China ay sa gitna na rin ng mainit na isyu sa umano’y pagpabor ng Malacanang sa kanilang bakuna na Sinovac kahit wala pang pag-apruba ang FDA.
Si Foreign Minister Yi ay sinalubong sa NAIA ni DFA Usec. Brigido Dulay, Phil. Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana, DFA Protocol Chief Porfirio Mayo at Chinese Ambassador to the Phil. Huang Xilian.
Inaasahang magpupulong din sila ni DFA Sec. Teodoro Locsin Jr.
Kabilang sa inaasahang pag-uusapan ay ang pagpapalakas pa ng kooperasyon sa paglaban sa COVID-19, investments at iba pang usapin.
“SFA @teddyboylocsin and Chinese SCFM Wang Yi are scheduled to hold a bilateral meeting to consider ways to ramp up cooperation, particularly in the priority areas of trade and investments, infrastructure development and addressing the pandemic,” bahagi ng online post ng DFA.
Nakatakda ring magsagawa ng courtesy call si Yi kay Pangulong Rodrigo Duterte bukas sa Malacanang.