KALIBO, Aklan—Patuloy na inaalam ng Boracay Inter-Agency Task Force ang motibo ng Chinese tourist sa pagtusok ng bandila ng China sa front beach at stage ng isang pampublikong paaralan sa isla ng Boracay kamakailan.
Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) general manager Natividad Berdandino na hindi pa nila natukoy ang pagkakilanlan ng nasabing turista.
Kung layunin umano nito ay bilang locator para sa group tour ay hindi ito big deal ngunit kung malisyoso ang intensyon ay ibang kwento na umano ito.
Nabatid na naging viral sa social media ang dalawang larawan, kung saan, makikita ang isang hindi pa nakikilang turista na nagtayo ng bandila ng China sa front beach at sa stage ng Balabag Elementary School.
Umani ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Nabatid na ang China ngayon ang nangunguna sa listahan ng mga dayuhang turista na bumisita sa isla sa kasalukuyang taon batay na rin sa record ng Malay Municipal Tourism Office.