KALIBO, Aklan – Nangunguna pa rin ang mga Chinese sa naitalang tourist arrival sa Boracay sa unang tatlong quarter ng kasalukuyang taon.
Batay sa record ng Municipal Tourism Office ng LGU-Malay, nasa 363,832 ang kabuuang bilang ng mga turistang Chinese na bumisita sa isla mula Enero hanggang Setyembre o 44% ng 820,622 ng mga dayuhang bakasyunista.
Sinundan ito ng mga Koreans na lumipad mula sa Incheon na umabot ng 303,504 o 37% ng foreign arrivals, at pumangatlo ang Taiwan na nakatala ng 25,133.
Lalo pang tumaas ang bilang ng mga dayuhan mula sa nasabing mga bansa na bumisita sa isla o 43% ng 1,601,450 arrivals sa nabanggit na period dahil sa dagdag na regional flights, maayos na imprastraktura at tourism appeal ng Boracay.
Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan ng Malay na madadagdagan pa ang bilang ng mga lokal at foreign tourist na bibisita sa popular tourist destination sa buong mundo matapos itong kilalaning best island in Asia ng Conde Nast Traveller readers.
Samantala, ang local tourists ay nakapagtala ng 729,415 arrivals sa parehong period.