Inaprubahan na ng Food and Drugs Administration (FDA) ang Chinese COVID-19 drugs para gamitin sa paggamot sa lung toxins, trangkaso at ilang mga kahalintulad ng sintomas.
Paglillinaw ni FDA Director General Eric Domingo, na ang Lian Hua Qing Weng ay dadaan pa sa pagsusuri para sa paggamot ng coronavirus disease.
Nakasaad kasi sa Certificate of Product Registration nito sa bansa na ito ay maaaring gamitin sa heat-toxin invasion ng lungs, trangkaso, pananakit ng kalamnan at sipon.
Sinasabing inabot din ng apat na buwan ang FDA bago nabigyan ng clearance na pwede na itong ibenta sa mga botika sa Pilipinas.
Nagpaalala naman si Dr. Domingo na kailangan pa rin ang reseta ng doktor sa pagbili ng naturang traditional medicine.
Nagpaliwanag pa ito na noong sinusuri pa nila ang Lian Hua Qing Weng, marami silang nakumpiska na mga pekeng gamot kasama na sa ilang underground o iligal na clinic na minamantine ng ilang Chinese.
Sa ngayon kasama sa kondisyon sa pagbebenta ng naturang gamot, dapat na ang labelling nito ay maiintindihan ng mga Pilipino at hindi pawang mga Chinese characters.
Sa isa namang statement ng Chinese Embassy dito sa Pilipinas, sinabi nito na ang Lianhua Qingwen capsule ay inaprubhan sa China bilang gamot sa mild COVID-19.
Ito ay pinayagan din daw na ibenta sa Hong Kong, Macau, Brazil, Indonesia, Canada, Mozambique, Romania, Thailand, Ecuador, Singapore at bansang Laos.