-- Advertisements --

ILOILO CITY – Ginawang kuta ng mga protesters ang Chinese University of Hong Kong kasabay ng marahas na kilos protesta sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Merly Sobrevega, Bombo International correspondent direkta sa Hong Kong, sinabi nito na ginawang barikada ng mga estudyante ang shopping carts na puno ng laryo upang hindi kaagad makapasok ang mga Hong Kong police sa Chinese University.

Ayon kay Sobrevega, walang baril ang mga estudyante ngunit may ginawa itong mga tirador at pana upang magsilbing armas nila laban sa mga police na nagtatangkang pumasok sa kanilang teritoryo.

Maliban sa mga tirador at pana, mayroon din silang tear gas at rubber bullets.

Tinatawag ngayon ng mga pulis na ‘weapons factory’ ang nasabing unibersidad.

Sinuspende naman ang mga klase hanggang sa Linggo dahil sa patuloy na kaguluhan sa Hong Kong.