-- Advertisements --
Bumalik na sa West Philippine Sea ang mga sasakyang pandagat ng China matapos ang panandaliang paglisan ng mga ito dahil sa bagyong “Enteng” noong nakaraang linggo ayon kay US maritime security expert Ray Powell.
Aniya, lumabas sa Automatic Identification System (AIS) tracking na hindi bababa sa 6 sa Qiong Sansha Yu maritime militia ships ng China at isang coast guard vessel ang na-obserbahan naglayag mula Panganiban Reef (Mischief Reef) patungong Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) nitong Linggo.
Nauna nang iniulat ni Powell na anim pang barko ng Chinese maritime militia ang umalis sa Bajo de Masinloc bago tumbukin ng bagyo ang WPS.
Subalit nanatili aniya sa reef ang isang 111-meter Chinese Coast Guard ship, na may bow number 3305.