-- Advertisements --
Pumalag ang Malacañang sa lumabas sa balitang umaabot sa mahigit 600 Chinese vessels ang umano’y umiikot sa Pag-asa Island.
Ang Pag-asa Island ay bahagi ng teritoryo ng Pilipinas at hindi kasama sa mga pinagtatalunang teritoryo sa South China Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, batay sa Western command, nasa mahigit 200 Chinese vessels lang ito at hindi sila nag-iikot kundi naka-istambay lang doon at nagmamanman.
Una rito, inaksyunan na umano ng gobyerno ng Pilipinas ang napabalitang presensya ng Chinese vessels malapit sa Pag-asa Island.
Inihayag ni Sec. Panelo na nakapaghain na ng Department of Foreign Affairs ng isang diplomatic protest kaugnay ng isyu na ito.