-- Advertisements --

Nais nang umalis ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. ang mga Chinese vessels sa palibot ng Pag-asa Island para maiwasan na ang anumang komprontasyon.

Iginiit ni Locsin na isa sa mga trigger para sa Mutual Defense Treaty ay anumang pag-atake sa military vessel ng Pilipinas.

Noong Marso, sinabi ni US Secretary of State Michael Pompeo na ang Estados Unidos ay tutulong sa Pilipinas kung aatakihin ito sa South China Sea.

Samantala, tinuran ni Locsin na hindi dapat mag-away ang Pilipinas at China sa isa lamang bahura.

“Why do you want to fight over a reef. I told the Chinese, ‘you know that reef, that is worthless for any purpose, including military,” saad ni Locsin.

Para sa kalihim, mas mainam para sa dalawang bansa na maging kaalyado na lamang at magkipagtulungan sa bawat isa.