Kumukunti na ang Chinese vessels na namataan sa West Philippine Sea kumpara noong nakalipas na mga linggo habang papalapit ang pagtatapos ng Balikatan exercises sa pagitan ng PH at US.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, dumami ang mga barko ng China sa West PH Sea sa pagsisimula ng war games subalit ngayong linggo ay wala na aniyang naobserbahang pagtaas sa presensiya ng Chinese vessels sa naturang karagatan.
Aniya, mula Abril 23 hanggang 29, mayroong 110 Chinese maritime militia vessels, 11 China Coast Guard at 3 People’s Liberation Army-Navy warships ang namonitor sa WPS.
Habang noong nakalipas na linggo naman mula Abril 30 hanggang Mayo 6 namonitor na lamang ang 88 Chinese maritime millitia at 10 hina Coast Guard. Namataan din ang PLAN warships sa nasabing period.
Samantala bilang parte ng nagpapatuloy na Balikatan exercise, gagamitin ngayong araw ng Miyerkules ang BRP Lake Caliraya na isang discarded made in China oil tanker bilang mock target sa isasagawang sinking exercise na gaganapin sa Laoag, isa sa northernmost areas ng bansa malapit sa Taiwan na nakaharap din sa WPS.
Ilulunsad din ang foiling ng mock invasion attempt ng dayuhang bansa sa shores ng Laoag sa pamamagitan ng paggamit ng howitzers sa kanilang live fire drills.