-- Advertisements --

Maliban kay Chinese President Xi Jinping, nakatakdang makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte si Chinese Vice President Wang Quishan sa Working Visit nito sa Guangdong, China sa susunod na linggo.

Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Meynardo Montealegre, inaasahang talakayin nina Pangulong Duterte at Vice President Wang ang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon kay Asec. Montealegre, mapag-uusapan rin ng dalawa ang pagpapaigting ng kalakalan at investment, gayundin ang pagpapalalim ng pagkakaibigan ng mga Pilipino at mga Chinese nationals.

Samantala, ipinagpaliban at hindi muna matutuloy ang pagpunta ni Pangulong Duterte sa Fujian Province na dapat sana ay kabilang sa itinerary nito sa China.

Inihayag no Chief Presidential Protocol Robert Borje na ang pagpapaliban ay ginawa “mutually” at dumaan sa betting process.

Sa Fujian leg sana gagawin ang inagurasyon ng isang gusali sa Fujian Normal University na isusunod sa pangalan ng nanay ng pangulo na si Gng. Soledad Roa Duterte.