Malapit na umanong maging “officially daughter” nina Chito Miranda at Neri Naig ang bata na parati nilang kasama sa kanilang family pictures.
Pahayag ito ng frontman ng bandang Parokya ni Edgar kasunod ng pag-alma ng asawang aktres dahil sa mga umuusisa sa presensya ng naturang bata sa kanilang bagong larawan kasabay ng kanilang 7th wedding anniversary.
“She will soon be. As we are in the process of making her ours, officially,” wika ni Chito o Alfonso Miranda sa tunay na buhay.
May mga nagsasabi kasi na ang batang babae na si Pia ay adopted sister ni Neri na naging anak-anakan na raw nila ng kanyang mister.
Gayunpaman, may ilan ding nagsasabi na si Pia ay anak ni Chito sa dating relasyon at may bersyon din na anak ito sa pagkabinata.
Dahil dito, bumwelta ang 36-year-old former actress sa mga “Marites” o tsismosa sa pagsasabing anak nila si Pia.
“Every child deserves a home and love. Period,” dagdag ni Naig.
Taong 2014 nang ikinasal sina Neri at Chito sa isang civil ceremony.
November 2016 naman nang ipinanganak ni Naig ang kanilang panganay na si Miggy, habang ang kanilang bunso na si Cash ay ipinanganak Oktubre nitong taon sa gitna ng Coronavirus Disease pandemic.