-- Advertisements --
Tiniyak ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig na mabuti naman ang kanilang kalagayan sa pag-aaring resthouse sa Alfonso, Cavite, na malapit na sa Tagaytay.
Ito’y kasunod ng pag-alok sa kanila ng kaibigang aktres na si Angel Locsin na pansamantalang tumira sa kanila sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Una nang pinapurihan ng Parokya ni Edgar vocalist si Angel dahil sa pag-aalala sa pagiging “unpredictable” ng Taal.
Ayon kay “Chito,” nagkataon na mayroong taping sa kanilang resthouse.
Nabatid na maganda ang lokasyon ng business establishment ng mag-asawa dahil overlooking o tanaw ito sa Taal Volcano kaya dinarayo ng mga kustomer.