-- Advertisements --

Ibinahagi ni Parokya Ni Edgar frontman Chito Miranda na nawalan siya ng boses sa kasagsagan ng show ng banda sa La Union.

Sinabi nito na labis ang kasiyahan ng banda noong Pebrero 1 dahil sa mainit ang pagtanggap ng mga tao.

Mas lalong sumaya ng sumali sa stage ang Kamikazee singer na si Jay Contreras at drummer nito na si Allan Bordeos.

Sa bandang dulo na ng kanta ay nawawala na ang kaniyang boses kaya hindi na ito makasabay sa kanta.

Giit nito na mahigit dalawang oras ang kanilang performance kaya nagpasalamat ito sa tulong ni Contreras.

Sinabihan na lamang siya umano ni Jay na ituloy lang ang pagkanta dahil sa hindi sila nakilala sa galing ng pagkanta at sa halip ay sa pagpapasaya.