-- Advertisements --

(Update) NAGA CITY – Nakilala na ng mga otoridad ang lalaking pinira-piraso ang katawan at natagpuan sa dalawang barangay ng bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), kinilala ang biktima na si Socimo Arciaga, 51, negosyante at residente ng Echague, Isabela.

Sa kabila nito, nagpapatuloy pa rin ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan para malaman ang motibo sa pagpaslang.

Una nang nadiskubre ng ilang residente ng Barangay Potot, Libmanan ang sakong nagpapalutang-lutang sa ilog at nang buksan, bumulaga sa mga ito ang ilang pinutol na katawan ng tao.

Sa karatig barangay naman, isang sako pa ang nadiskubre kung saan doon naman nakasilid ang ulo at ilan pang bahagi ng katawan ng biktima.