-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Gumamit na ng chopper na may thermal camera ang mga rescue team upang makita kung may signs of life ang apat na mga pasahero na sakay ng bumagsak na Cessna 340A plane.

Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head Dr. Cedric Daep, ginagawa na nila ang lahat upang mahanap ang dalawang Pilipino at dalawang Australian nationals na sakay ng eroplano.

Nabatid na inako na rin Albay Governor Grex Lagman ang full commitment at accountability upang maipagpatuloy ang mapanganib na search and rescue operations sa aktibong Bulkang Mayon.

Nabatid na hanggang sa ngayon ay nakataas pa sa Alert level 2 ang bulkan na nakakapagtala ng mga volcanic earthquakes at rockfall events sa paligid nito.

Subalit hanggang sa ngayon ay bigo pa rin ang mga rescuers na makita ang kahit na isa sa mga sakay ng Cessna plane.
Ito na ang ika-apat na araw ng search and rescue operations magmula ng maiulat na nawawala ang eroplano noong Sabado, Pebrero 18.