LEGAZPI CITY – Ikinatuwa ng Department of Education (DepEd)-Bicol ang pagbulsa ng dalawang first prize ng Ligao National High School Voice Chorale sa kompetisyon na ginanap sa Torrevieja, Spain.
Ang naturang grupo ang kumatawan sa Pilipinas sa 65th Certamen Internacional de Habaneras sa Spain na nakapag-uwi ng unang puwesto sa dalawang category na Habanera at Ethnic o Poliphony.
Ayon kay DepEd-Bicol Director Gilbert Sadsad, bibigyang-pagkilala ang grupo dahil sa nakamit nito.
Dagdag pa ng opisyal na posible ring imbitahan ang chorale na mag-perform sa 44th Founding anniversary ng DepEd Regional Office 5 na gaganapin mula sa Setyembre 9 hanggang 11.
Proud naman ang ahensya sa tagumpay ng grupo lalo’t gastos ng mga magulang ang ginamit upang makalahok sa kompetisyon ang mga ito, katuwang ang lokal na pamahalaan ng Ligao City.