-- Advertisements --

Nagbabalik bilang head coach ng TNT Tropang Giga ang dating Gilas Pilipinas coach na si Chot Reyes para banderahan ang PBA 48th season Philippine Cup.

Matatandaang hindi maganda ang naging season ng koponan ngayong torneo dahil sa mga natamong injuries ng mga players.

Nagtapos sa elimanation ang TNT sa ikawalo ng standing at tinalo ng Magnolia Hotshots sa quarterfinals.

Samantala, magbabalik naman sa dating posisyon si Jojo Lastimosa matapos papirmahin ng contract extension bilang team manager.