-- Advertisements --

Napilitan si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na mag-umpisa sa simula ang national team program tatlong linggo bago ang pagsisimula ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ito ay matapos ang biglaang pagpapalit ng coach at ang pagkawala ng ilang mga manlalaro ng national basketball team ng bansa.

Nitong Pebrero 1 lamang kasi ay ipinalit ng Samahang Basketball ng Pilipinas si Reyes kay Tab Baldwin matapos na bumaba bilang coach noong Pebrero 1 dahil sa mag-focus lamang umano sa collegiate basketball coaching.

Kasama rin na kinakaharap na suliranin ay ang hindi na pagrenew ng kanilang kontrata ng ilang manlalaro gaya nina Rey Suerte, Isaac Go at Allyn Bulanadi.

Maging sina University of the Philippines Carl Tamayo at La Salle Justine Baltazar ay nagdesisyon na huwag sumali dahil sa nais nilang mag-focus sa paglalaro sa UAAP.

Tiniyak naman ni Reyes na kaniyang gagawin lahat ang kaniyang makakaya para magtagumpay ang Gilas Pilipinas.

Magsisimula ang laban ng Gilas Pilipinas kontra South Korea sa Pebrero 24 habang haharapin nila ang India at New Zealand sa Pebrero 25 at 27.

Sa Pebrero 28 naman ay makakaharap nila ang South Korea.

Kuwalipikado na sa World Cup ang bansa dahil isa sila sa mga host countries kasama ang Japan at Indonesia.