-- Advertisements --

Muling kinuha ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang beteranong coach na si Chot Reyes na siyang papalit kay Tab Baldwin.

Nagpasya kasi ang American-Kiwi coach na ituon na lamang ang trabaho sa pagiging coach ng Ateneo de Manila University basketball team na siyang nagdala sa koponan na maging kampeon sa UAAP mula 2017 hanggang 2019.

Ayon sa SBP na dahil sa pandemya ay nagkaroon ng pagkakapatong-patong na ng schedules ng UAAP schedules at ang paghahanda ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2023 Qualifiers.

Dahil dito aniya ay hiniling mismo ni Baldwin kay SBP chairman emeritus Manuel V. Pangilinan na ito ay bumaba na sa puwesto.

Magugunitang naging coach si Reyes noong magwagi ang Gilas Pilipinas ng silver medal sa 2013 FIBA Asia Championship siyang nagresulta sa makasaysayang paglalaro nila sa FIBA World Cup.

Bukod pa dito ay naging susi rin siya sa pagkakuha ng medalya ng Gilas Pilipinas sa William Jones Cup.

Magiging host kasi ang Pilipinas kasama ang Japan at Indonesia sa FIBA World Cup 2023.