Magsasagawa na rin ang Commission on Human Rights at National Bureau of Investigation (NBI) ng hiwalay na imbestigasyon sa pagkamatay ng 24 anyos na engineering student ng Adamson University na si John Matthew Salilig na biktima umano ng hazing.
Kinondena din ng CHR ang pagpatay sa kay Salilig matapos ang fraternity initiation rites ng Tau Gamma Phi kung saan natagpuan ang kaniyang bangkay sa isang bakanteng lote sa Cavite.
Isa aniya itong malinaw na paglabag sa karapatang pantao ng biktima.
Binigyang diin pa ng CHR na ang hazing ay labag sa basic principles ng fundamental rights at dignidad ng tao at walang puwang aniya sa academic institutions ang karumal dumal na krimen.
Umapela dina ng CHR sa Philippine National Police, Commission on Higher Education at iba pang concerned agencies na pigilan at tugunan ang mga insidente ng hazing at panagutin ang mga nasa likod ng pagpaslang.
Nanawagan din ang komsiyon para sa mas maigting na implementasyon ng Anti-Hzing Act of 2019 kasunod ng panawagan ng mga mambabatas para sa pag-review ng nti-hazing law na magpapataw ng mas mahigpit na penalties.
Samantala, magsasagawa naman ang NBI ng parallel investigation sa pagkasawi ni Salilig.
Nakiisa din ang ahensiya sa pagkondena sa paglabag sa anti-hazing law at tiniyak na sa oras na mapatunayang mayroong probable cause na may reasonable certainty of conviction, kanilang lilitisin ang mga nasa likod ng hazing at papanagutin upang makamit ang hustisiya sa pagkamatay ni Salilig.