LEGAZPI CITY – Mahigpit na kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) Bicol ang pag-atake sa isang regional trial court judge at staff nito sa Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay CHR Bicol Director Atty. Arlene Alangco, motu proprio ang isasagawang imbestigasyong ng opisina para sa agarang pagkaka-aresto sa responsable sa pag-ambush sa mga biktima na sila Regional Trial Court Branch 56 Judge Jeaneth Gaminde San Joaquin at aide na si Rocelle Martinez na lahat sugatan.
Apela rin nito sa pamahalaan na magpursigeng maresolbahan ang kaso at mapanagot ang mga suspek sa nangyaring kadahasan.
Binigyang diin ni Alangco na isa sa mga problema kung bakit nade-delay ang pag-usad ng kaso ay ang kawalan ng testigo.
Tulad na lamang sa nangyayaring pambabaril-apat ng riding in tandem sa dating radio reporter na si Jobert Bercasio sa Sorsogon City na hangganng sa ngayon nakatengga pa ang kaso dahil sa kawalan ng witness.
Hiling rin ng opisyal ang pakikipagtulungan ng komunidad sa pagresolba ng kaso para mabigyan ng hustisya ang mga nagiging biktima ng malagim na krimen.