-- Advertisements --

Pinangunahan ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang pagsasagawa ng voter’s education lecture at demonstrasyon ng Automated Counting Machine (ACM) sa mga tauhan ng Commission on Human Rights (CHR).

Una rito, ang CHR ay nag-organisa ng tatlong araw na orientation seminar para sa Bantay Karapatan sa Halalan 2025.

Ang mga kalahok ay mga imbestigador at mga opisyal ng promosyon na magsasagawa naman ng edukasyon sa mga botante at magbabantay sa 2025 elections mula sa national, local at BARMM.

Bukod sa ACM Demo, inimbitahan din ng CHR ang mga kinatawan mula sa Vulnerable Sectors Office (VSO) upang talakayin ang mga inisyatibo ng Comelec para sa accessible na pagboto.

Tinalakay naman ni Direktor III Atty. Abigail Claire Carbero-Llacuna ang tungkol sa mga kumakalat na misinformation at disinformation sa panahon ng halalan at ipinakilala ang Task Force Katotohanan, Katapatan, at Katarungan (KKK), na siyang tututok sa mga magtatangkang magpakalat ng fake news sa darating na eleksyon.