VIGAN CITY – Nakahanda umanong magsampa ng kaso ang Commission on Human Rights (CHR) laban sa mga pulis na nagsagawa ng simultaneous anti-criminality operation sa Negros Oriental noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 14 katao.
Ngunit, ito umano ay nakadepende sa resulta ng imbestigasyon na isinasagawa ng CHR.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay CHR spokeswoman Atty. Jacqueline de Guia, sinabi nito na kung mapapatunayan na hindi dumaan sa tamang proseso ang nangyari sa mga biktima ay magsasampa sila ng kasong kriminal o administratibo.
Aniya, kung base naman sa resulta ng imbestigasyon ay mapatunayang nanlaban nga ang mga biktima kaya napilitan ang mga pulis na gamitan sila ng puwersa, hindi na umano nila itutuloy ang kasong isasampa laban sa kanila.
Ang PNP naman ay iginigiit na lehitimo ang naging operasyon sa magkakahiwalay na lugar dahil nanlaban umano ang mga biktima nang isilbi ang search warrant.
Una rito, ini-utos na umano ng CHR sa kanilang regional office sa Negros Oriental na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing pangyayari.
another one recruited: good potential english writer: bombo john sionosa/ 2 english stories submitted from bombo koronadal