-- Advertisements --
image 263

Hinimok ng Commission on Human Rights (CHR) ang gobyerno ng Pilipinas na sundin ang rekomendasyon ng United Nations Committee on the Elimination of Discrimination against Women na magbigay ng ganap na reparation sa mga babaeng comfort women sa Pilipinas noong World War II.

Ang pahayag ng Commission on Human Rights ay matapos ang deklarasyon ng komite ng UN na nilabag ng Pilipinas ang mga karapatan ng mga sexual abuse victims na pang-aalipin na ginawa ng mga sundalong Hapones noong digmaan.

Nabanggit nito na noong 2019, sinuportahan ng komisyon ang Comfort Women Compensation and Benefit Act na inihain sa ilalim ng 17th Congress na naglalayong kilalanin ang mga karanasan ng mga kababaihan at maibsan ang kanilang pagdurusa sa pamamagitan ng reparation.

Binigyang diin din ng CHR na ipinagbabawal ng 1987 Constitution ang paggamit ng torture at violence at nag-uutos ng kabayaran sa mga biktima at kanilang mga pamilya.

Binanggit din ng komisyon na ang Pilipinas ay isang estadong partido sa International Covenant on Civil and Political Rights.