-- Advertisements --
CHR

Magkakasa ngayon ng bukod na imbestigasyon ang Commission on Human Rights ang madugong pamamaslang sa isang pamilya sa Negros Oriental.

Ito ay matapos na makatanggap ng mga ulat ang naturang komisyon na mayroon umanong pamamaslang na naganap sa Sitio Kangkiling, Barangay Buenavista, Himamaylan City na may kinalaman sa insurhensiya.

Ang karumaldumal na krimen na ito ay mariing kinokondena ng CHR at nagpadala na rin ito ng mga imbestigador sa lugar upang alamin ang katotohanan sa likod nito na layuning makamit ang hustisya para sa mga biktima.

Bukod kasi sa insurhensya ay may mga ulat din daw na natatanggap ang komisyon na mga alegasyon naman na nag-uugnay sa Philippine Army.

Ngunit iginiit ng CHR na titignan nito ang lahat ng posibleng anggulo sa nasabing krimen at maihatid ang hustisya para sa mga biktima.

Nasa kabuuang apat na indibidwal ang nasawi sa insidente, kabilang ang dalawang menor de edad.

Sa ulat, ang mga katawan ng mga biktima ay nagtamo ng malalapit na tama ng bala mula sa isang M16 rifle. Lumabas din sa ulat ng pulisya na natagpuan ang mga bangkay sa iba’t ibang bahagi ng kanilang bahay.