-- Advertisements --

Magsasagawa ng motu proprio investigation ang Commission on Human Rights (CHR) sa Central Luzon kaugnay sa pagkamatay ng isang construction worker makaraang barilin ng isang pulis sa Sta. Rita, Pampanga noong Enero 2.

Sa isang pahayag, sinabi ni CHR spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na habang hinihintay nila ang resulta ng kanilang sariling imbestigasyon, hinimok nito ang PNP na mas unawain ang paggamit ng puwersa at armas habang nagsasagawa ng operasyon.

Aniya, ipinagbabawal ang paggamit ng sobrang puwersa, sang-ayon sa revised operational procedures ng PNP.

“As detailed in their own Philippine National Police revised operational procedures, the use of excessive force is categorically prohibited. And should it be necessary, warning must be first issued and the force to be employed should only be to neutralize resistance and subdue clear and imminent danger,” saad ni de Guia.

“Every police officer is then reminded of their duty to serve the public and protect life and property. Death should not be the first option. For in the end, the goal of law enforcement should be to protect human rights and dignity and never to violate them,” dagdag nito.

Una rito, batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasasagawa ng dragnet operation ang mga pulis dahil sa nangyaring pagnanakaw sa isang computer shop sa Barangay San Matias nang saktong mapadaan ang biktimang si Federico Pineda, 29-anyos.

Sinabi ni PCapt. Renemer James Pornia, hepe ng Sta. Rita Police, sumakto sa paglalarawan ng suspek si Pineda kaya ito napagkamalan.