-- Advertisements --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkasawi ng Grade 10 student mula sa San Enrique, Negros Occidental dahil sa hazing mula sa fraternity na kaniyang sinalihan.

Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia na nakakaalarma ang nasabing pangyayari.

Dagdag pa nito na kahit na nasa online school ang karamihan ay dapat matiyak ng Commission on Higher Education (CHEd) na maprotektahan ang mga mag-aaral.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan na may tatlo na silang inimbitahan na miyembro ng fraternity na may kaugnayan sa pagkamatay ng 18-anyos na biktima.

Narekober din nila ang paddle na ginamit ng mga suspek sa nasabing hazing.

Magugunitang nasawi ang biktima matapos magtamo ng hematoma sa kaniyang katawan dahil sa hazing noong Setyembre 9.