-- Advertisements --
Ikinalugod ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpapalabas ng resolution ng United Nation Human Rights na imbestigahan ang mga nagaganap na extrajudicial killings sa bansa.
Sa inilabas na pahayag ng CHR, na dapat seryosohin ng gobyerno ng Pilipinas ang imbestigasyon.
Dito aniya makikita kung walang nilabag ang gobyerno sa pagpapatupad nila ng anti-drug campaign.
Umaasa rin ang CHR na sa pag-iimbistiga ng UNHRC ay matatanggal na ang anumang paglabag sa karapatang pantao.