-- Advertisements --

Inalmahan ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagbabawal ng PNP sa mga unautorized persons outside of residence na maghatid o magsakay sa mga APOR mula sa kanilang trabaho kapag nagsimula na ang dalawang linggong pagsasailalim ng enhanced community quarantine sa Metro Manila mula Agosto 6-20.

Sinabi ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na ang nasabing patakaran ng PNP na ito ay tila pagbabawal na rin sa mga APOR partikular na ang mga medical workers at mga essential workers na gampanan ang kanilang trabaho sa paglaban ng pandemic.

Mas malaki din aniya na ma-expose sila sa infections dahil walang garantiya na mayroong masasakyan na pampublikong sasakyan.

Dahil dito ay nanawagan sila sa PNP na pag-aralang mabuti ang nasabing hakbang.

Nauna rito ipinagbawal mismo ni PNP chief General Guillermo Eleazar ang mga non-APOR na maghatid at magsundo sa dahil gagawing paghihigpit ng mga kapulisan sa mga checkpoints.