Nakasubaybay ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga development at nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga posibleng paglabag sa karapatang pantao sa pagpapatupad ng warrant of arrest laban kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy.
Tinitingnan ng komisyon kung nilalabag ng mga operasyon ng pulisya ang karapatan ng mga tao sa kalayaan sa relihiyon sa pamamagitan ng pagbabawal sa pagpasok sa kanilang simbahan.
Binigyang-diin pa ng CHR na ang operasyon ng pulisya ay dapat na ang pagisilbi lamang ng warrant of arrest, hindi isang search warrant, at dapat palaging isagawa alinsunod sa batas, angkop na mga alituntunin, at mga prinsipyo ng karapatang pantao.
Samantala, hinimok din ng CHR si Quiboloy na harapin ang mga kaso at payagan ng mga miyembro ng KOJC ang mga pulis na magsilbi ng warrant of arrest.